VIRAL! Netizen posted her story that will make you believe in miracle! What happened will shock you!
The post is making its round all over the social media. As of the moment her post is now garnering 237,000 likes and 130,487 shares.
Read the whole story below.
May 3 ,2015 (sorry nag kamali ako ng date na nalagay sa phone ko )nung nag pt ako. Kasi pang 5th day ko ng delayed. Regular kasi talaga ko.. Kaya nag check na ko. Nung nag positive umiyak pa ko ksi feeling ko di pa ko ready.. Feeling ko dipa sapat savings ko. Although 23yrs old na din ako. Feeling ko di pa sapat yung edad ko. Pero siyempre blessing yan ni Lord. Kaya super happy ako :)
After that day kinabukasan nagpa ultrasound agad kami. Kasi excited talaga akong makita siya kahit alam kong kabutil pa lang itsura nya. :) grabe napaluha ako nung nakikita kong tumitiboktibok sya :)
Ayan syempr kahit 6weeks palang ako dyan nag fefeeling talaga akong may baby bump kasi pangarap ko yan ;)
Tapos eto na yung todong baby bump ko. Hahaha yan na yon. 25weeks pregnant ako dito :)
Tapos emotional ako sobra. Kasi bf ko that time very iresponsable. Talagang matigas ang ulo.. Kaya lagi akong stress. Tignan nyo nga nakapag pic pa ko after umiyak. Nafeel ko din dyan na masakit na yung puson ko feeling ko si baby lang yon. Pero kinabukasan nagpatingin na ako.
Sabi ng doctor ko bumababa daw si baby.. Okay naman sya kada prenatal check up ko pero this time tinutulak daw si baby pababa ng uterus ko. Kaya nafefeel ko yung parang naninigas. Sinabihan ako ni doc na mag bed rest. As in complete bed rest.. Pero kinabukasan..
Eto na.. At 26weeks(6months) pumutok ang panubigan ko. Hindi na ko tinanggap sa BMMG (bulacan) kasi di nila kaya don baka mamatay lang daw si baby. Kaya second choice namin st lukes. Sobrang sakit lahat ng pinapasok na gamot sakin. Sobrang mainit sa katawan pero bawal ako uminum at kumain. Kasi anytime hihiwain na ko dahil nauubusan na ng water si baby at suhe din si baby.. Kaya Need ako i-cs..sept 18, ng 8:30pm bago ako ipasok sa OR kinausap ako ng OB ko. Sabi niya wala daw promise na magiging okay baby ko. Sobrang iyak na ko ng iyak non. Kahit takot ako sa opera.. Sa mga oras na yon di ko na naisip yung takot sa sarili ko. Natakot lang ako para sa anak ko. :'(
10:03pm nailabas na ng mundo si baby akiyo ko.. Medyo hilo hilo pa ko non sobra.. Kaya need muna ako mag rest kahit gustong gusto ko na makita si baby ko.. Nag pahinga lang ako.. As in walang 24hrs. Kasi 5pm pinuntahan ko na agad si baby..
Kahit sobrang sakit ng tahi ko at napaka hirap mag lakad papasok ng NICU tiniis ko makita ko lang ang baby ko. :( iyak ako ng iyak nung makita kong naka tubo ang anak ko. Dahil di pa nya kaya huminga mag isa. 11inches lang sya at 900grams lumabas. Durog na durog ang puso ko. :'(
Pangalawang araw ko syang pinuntahan tinititigan ko lang sya at nag dadasal lang ako. Hindi ko pa din sya mahawakan dahil nakakatakot at baka anong mikrobyo pa ang maipasa ko. Alam ko sa mga panahon na ito di sya iniiwan ni Lord.. Binabantayan sya lagi..
Good news!! After two days tinanggal na yung ventilator nya! Super tuwa mga nurse kasi galing nga daw ni baby. Yung iba kasi 3mons 2mons naka ventilator pa din. Saka alam siguro ni baby na wala akong pambayad sa per day nun! :)
At dahil mas kelangan nya ng breastmilk ko talagang pump lang kahit sobrang sakit at hirap. Basta para kay baby.. May time din na talagang walang milk kaya bumibili ako at nang hihingi. Salamat clang!! Sa milk mo for 3months!!!
Eto na yung yung unang beses ko siyang nahawakan.. Walang kasing saya!! Galak ang naramdaman ng puso ko ❤
1week na.. Kailangan ko ng umuwi. Alam mo yung pakiramdam na ayoko na lumabas ng ospital. Kasi ayoko siyang iwanan. :( ang hirap sobra sa kalooban. Na uuwi kang di mo kasama ang baby mo... Kaya araw araw kahit mahirap kahit cs pa ko araw araw ko syang pinupuntahan sa st lukes. Kahit galing pa kong bulacan. Kahit sabi nila mabibinat daw ako.. Wala akong pakialam.
Alam kong lumalaban ang anak ko. See? Wala na syang oxygen. Kaya na nyang huminga mag isa! Ang galing galing!! :) pero bumaba timbang nya from900 to 750grams :( pero laban lang ang anak ko. Naka feeding tube sya kasi dipa nya kaya mag dodo alone.
Ito ang napaka sarap sa lahat. First KMC ko kay baby. Kangaroo mother care.. Usually sa mga preemie babies dapat kmc lagi. Malaking help yan kasi nadidinig nila heartbeat ni mommy nila feeling nila nasa loob pa din sila ng tummy. Tapos skin to skin.. Natural heat ng body natin napapasa kay baby :)
Nag kasakit din siya dyan ng pneumonia.. Sobrang iyak ako ng iyak gabi gabi. Ang hirap mag isip kasi nakakatakot naman talaga yung sakit na yun :( pero dasal lang ako.. Ramdam ko lumalaban ang baby ko at makaka survive kami.
After a week okay na sya :) biruin mo ang galing nya kahit kapiraso lang ang anak ko super fighter!! Ang hirap pero pag makikita mo yung ngiti nya sa mga labi nyang super liit din baliwala lahat ng hirap mo. At sacrifice. Kahit lagi kami pinapatawag sa accounting office kasi ang laki na ng bill namin. Ayan ang kanyang unang ngiti sa akin :)
May time din na kailangan nyang masalinan ng dugo. Kasi di pa ganon kabilis ang katawan nila mag produce ng mga bagong blood.. Nakikita kong nahihirapan sya sa mga mata nya :( wala akong magawa kundi iparamdam lang na andito lang si mommy anak... Maging matapang ka lang...
Hold on lang daw siya :) after 2 and a half months... :))) ang hirap makita na yung anak mong ke liit liit at kulang na kulang sa bwan lumalaban agad sa ganitong sitwasyon. Ang baby baby pa niya sobra para humarap ng ganitong laban sa buhay :'(
Unti unti na syang tinuturuan uminum ng milk. Hindi na sa tube :) bawal kasi bote sa st lukes kaya dapat cup lang sila. Baby palang yan oh marunong na uminum sa cup :)
Hanggang saaaaa... Eto na :) wala na syang tube! Marunong na syang uminum ng milk.
At dito ang yabang ng baby ko!! See?? Wala na siya sa incubator! Nasa crib na sya!!! Yeheeeey!!! Malapit lapit na umuwi after 3months!!!!
First bath nya sa talambuhay nya na lumabas sa mundong ibabaw ��
Lalabas na kami!!!!! :)))) pero bago yun sobrang dami kong stress lahat pagod.. Luha... Para lang makalabas kami at pumayag ang st lukes may maiwan na konting balance.. Dahil umabot ng isang milyon ang bill namin sa ospital :( sobrang thank you sa mga taong tumulong alam nyo sino sino kayo :) si Lord na bahala mag balik sa inyo nyan :)
Pero lahat yon worth it! Dahil eto na yung dream ko. Maiuwi ang anak ko. Salamt sa Dyos at di nya kami pinabayaan :) alam ko na di ko man nasabi lahat ng napag daanan kong hirap, lungkot at saya.. Proud na proud akong mommy ni Akiyo :))
Sino bang mag aakala na sing laki lang sya ng bote ng pop cola noon? :) my akiyo my love :) hanggang ngayon kapag naiisip ko lahat ng napag daanan namin ng anak ko i can't imagine na nakaya ko pala lahat yun. Para na akong mababaliw nun bawat oras. As in! Pero naniniwala ako sa mga oras na yon sa susunod na panahon kwento na lang lahat ng napag daanan ko. At eto na nga yon ❤️
❤️yung mga ngiti na yan.. Walang katumbas na kahit ano sa mundong ito.. 😃
And now he's turning 1 on sept 18,2016
The more I look back.. The more I see miracles. ❤️
Share this Video!
Visit and follow our website: Duterte News
© Duterte News Today
VIRAL! Netizen posted her story that will make you believe in miracle! What happened will shock you!
Reviewed by Nai
on
11:33 PM
Rating:
No comments