Old couple just want to eat in Mcdonald but what this lady did will shock you.

Old couple just want to eat in Mcdonald but what this lady did will shock you.

Mcdonalds became a place for broken hearted and for someone whose moving on because of their commercial. But this old couple proved them wrong. As they show us the true meaning "FOREVER"
READ as netizen witness their love.

Around 10PM sa Mcdonalds Pulilan 'nong may biglang pumasok na couple. Well, hindi naman ako gagawa ng ganito kung typical na magkarelasyon lang sila pero hindi. Si Lolo, may nakasukbit na maraming plastik sakanyang ulo at kamay. Baka nagbebenta sila ng bawang at sibuyas. As far as I can remember, more than 3 plastics yata 'yong nakasukbit kay Lolo at ang mas lalong nakapukaw ng atensyon ko ay 'nong nakita ko ang kanyang asawa, na nakaupo sa wheelchair habang itinutulak ni lolo papasok ng Mcdo. (Hindi ko na napicture-an 'yong pagpasok nila kasi syempre eksena naman ako) later on, muling itinulak ni lolo ang wheelchair ni lola para umorder. Higit na gumaan ang loob ko 'nong nakita kong may isang babae na lumapit sakanila. Masyado akong malayo para marinig pa sila at muli nanaman akong nagulat pa sa mga sumunod na nangyari. After pumunta nina lolo at lola sa counter ay nagtungo sila sa cr. masyado nang mahina si lola para akayin ang kanyang sarili kaya muli nanamang nagsimula si lolo na itulak ang wheelchair. Ilang minuto ang nakalipas, habang nasa cr pa sina lolo at lola ay biglang may dumating na order sa la mesa nina lolo at lola take note, may kasama pang pa take out!! Agad na lumapit ang isang babae, at nanghingi ng isa pang upuan at dalawa pang lamesa upang magkaroon ng higit pang espasyo para sa dalawang matanda. Pagharap 'nong babae, narealize ko na sya rin 'yong babaeng nasa counter na kinausap sila. Inorder pala sila ng pagkain. Bago kami umalis ay nakita kong sinusubuan ni lolo si lola, na kahit pagod na pagod ito mula sa napakahabang araw ay hindi nito nagagawang mapagod maglingkod, lalo na sa kanyang asawa. Hay, kung iisipin mo, hindi pa naman huli ang lahat. May mababait pang tao sa mundo. Nasa sa'yo nalang kung paano mo gagamitin ang kung anong mayroon ka at kung paano mo mamahalin ang buhay mo. Hangga't may sapat kang kakahayan upang tumulong, gawin mo. Kung sino man makakakita sakanila around Pulilan, sana matulungan din sila. Swerte ako at nakasaksi ako ng ganitong pangyayari, maaaring nakatadhana ito upang maibahagi hindi lamang ang kwento, kung hindi pati na rin ang aral nito.











Share this Video!
Visit and follow our website: Duterte News
© Duterte News Today

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

SHARE THIS ARTICLE:



Old couple just want to eat in Mcdonald but what this lady did will shock you. Old couple just want to eat in Mcdonald but what this lady did will shock you. Reviewed by Nai on 6:15 PM Rating: 5

No comments