This is HEARTBREAKING! This young girl post about her love for her mother went VIRAL.

This is HEARTBREAKING! This young girl post about her love for her mother went VIRAL.

Read her full stories:

January 2016 palang naramdaman ko nang mangyayari 'to. Kapag iniisip ko nagsisimula na'kong maiyak. Ikaw  ang taong kahinaan ko. Ang nanay talaga maputak kahit na maliit na bagay napapansin yan, pero dalawa lang ang dahilan nang pag post ko. Una para malaman nang mga kamag anak, kaibigan at mga taong malalapit saamin na wala na si mama at para mabasa nang iba na ang buhay ng mga magulang natin ay sobrang ikli. Hindi mo malalaman kung hanggang kailan sila mabubuhay kaya hangga't maaari habang nandiyan sila ipakita natin ang pagpapahalaga at pagmamahal natin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Pero masaya nako ma, kampante nako kasi alam ko di kana mahihirapan. Nasabi ko na lahat nang gusto kong sabihin lalo na nung tayong dalawa nalang sa kwarto habang nagsisimula kanang mawalan ng hininga. Ang sakit sakit, walang kasing sakit. Wala akong magawa kung hindi umiyak at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo. Dalawang taon pa sabi ko sayo, dalawang taon nalang ang hinihingi ko dahil hindi pa ako handa, hindi ko pa kaya. Gagamitin pa natin yung  ipon natin para makapag aral ako sa AUF kasi yun yung isa sa mga goal mo next year. Pero parang ang labo nang mangyari. Ang dami nating balak pati sa debut ko. Sabi mo pa nga bibilhan moko ng sasakyan kapag 18 nako, pumayag ka nga kahit ayaw ng mga ate't kuya ko.  Sabi mo din mag tu'tour ako kapag 18 na'ko. Pero pano mo matutupad yun kung wala kana. Wala akong maisip na bagay na pinabibili ko sayo na hindi mo ibinigay pero hinding-hindi ko makakalimutan kapag nakabili kana sasabihin mo kaagad "Anak matuto kang mag tipid, binibigay ko lahat-lahat nang gusto mo nakikita mo naman. Magpakabait ka wag nang magmaldita at lagi mong tatandaan na hindi tayo mayaman." Habang nasa kama tayo ang huling tanong ko sayo kung may galit ka ba sakin. Sumandal ka lang sakin at umiling.

October 2016 nagsimula tayong magkaroon nang di pagkakaunawaan. Kadalasan 11pm nako umuuwi. Dahil sa sama nang loob ko, feeling ko kasi hindi moko naiintindihan. Puro pagkakamali ko nalang napapansin mo at dahil nadin siguro sa lungkot na lagi nalang ako walang kasama sa bahay. Halos di ko na kayo madatnan kaya sobrang naging padalos dalos ako. Di ko man lang inisip mga pagkakamali ko at kung ano ang mararamdaman mo. Napupuyat ka kakamessage sa mga kapatid ko lalo na kay Kuya Ryan kung nasa bahay ba niya ako. Natauhan ako nang mabasa ko text mo "anak maawa kana sakin umuwi kana nag aalala ako" Umabot hanggang December na lagi tayong nagkakaroon nang di pagkakaintindihan, sobrang tigas ng ulo ko. Hanggang isang gabi kinausap ako ni tatay, yun din ang gabing una ko siyang makitang umiyak. Nagtataka ako kasabay nang pag abot ng cellphone niya nabasa ko last text mo "sabihin mo na sakanya dahil maikli nalang ang panahon" dun ko palang nalaman na may thyroid cancer ka, hindi ko alam kung anong pwedeng gawin kundi umiyak. Dun ako nagising at dun ko din naramdaman na hindi na tama mga ginagawa ko. Madalas kitang puntahan nun dahil lagi kang may sakit. Hindi ko pa alam kung anong sakit mo noon, ewan ko pero hindi ko din alam kung bakit hindi ko din nagawang tanungin ka pati nang mga kapatid ko kung anong sakit mo dahil na din siguro sa takot, takot na malaman kung ano yun. Lagi kitang chinachat at sinasabihan nang mga salitang alam ko na kahit papaano magpaparamdam sayo na mahal na mahal na mahal kita sa kabila ng mga pagkakamali ko.

Nang malaman ko na may cancer ka stage 3 dali dali kitang pinuntahan alas dos nang madaling araw kasama ko si Jayson, at pag dating ko dun sinabi ko na kaagad sayo na wag mo muna akong iiwan. Ang unfair mo sakin, 16 years old palang ako samantalang mga kapatid ko stable na sila at may kanya kanya nang pamilya. At papaano naman yun maaaaaaaaaa 😭 uuwi na sila pa ibang bansa katapos ng libing paano na. Ni hindi ko pa alam mag saing, maglaba at mag plantsa. Hindi ko pa kayang mag isa. Pero ang sabi mo lang sakin, kailangan kong maging matatag at madiskarte sa lahat nang bagay dahil kilala mo'ko at naniniwala kang kaya ko.

Alam ko at alam nang nakararami na makakarating ka sa langit. Maraming pamilya ang natulungan mo. Bukas ang kamay mo sa pag tulong sa mga nangangailangan. Pasko, bago natin pag planuhan kung saan tayo mamamasyal ise'set mo muna yung donation at mga paparty sa bahay para sa mga taong kapos. Lahat ng meron ka never mong pinag damot sa iba.

 Hanggang sa muli nating pagkikita ma. Sana gabayan mo'ko, bigyan mo kami lalo na ako ng lakas. Napakaaga mama. Sobrang aga. Wala nang magpapaluto o magpapabukas ng delata para sakin kapag isda ang ulam. Wala nang mag susurprise sakin, kapag gising ko sa umaga may nag ta- tricycle na bigla nalang mag dodoorbell na may dala dalang paper bag na may lamang damit na pinakita ko sa facebook sayo bago ka matulog, yun pala binili mo na at pinadala mo nalang sa ibang tao dahil busy ka. Wala nakong pag tatanungan kapag late na ng "Ma? Bukas paba kayo? Nakalock na gate pabukas pls" Wala nang mag uutos na magpadeliver nalang ako kapag wala akong pagkain na nadatnan. Salamat ma dahil sobra sobra kong naramdaman yung pagmamahal mo hindi sa materyal na bagay kundi sa mga panahon na kailangan kita andiyan ka. Naramdaman ko talaga ang buhay ng pagiging bunso kahit na hindi ako yung paborito niyo ni tatay... Ang dami kong kasalanan at pag kukulang sayo mama. At alam kong nakabawi naman ako sayo kahit papaano. Humingi ako ng tawad at tumulong ako para alagaan ka. Nagpapasalamat padin ako sa taas ma dahil binigyan niya pako ng ilang araw para makahingi ng tawad, makabawi at masabi lahat ng gusto kong sabihinAng dami pa nating plano na hindi natupad...

Sana hindi ako nainis noong panahon na nagpapaturo ka kung paano mag facebook. Sana hindi ako nagdabog noong inuutusan moko. Sana hindi ako sumagot patalikod noong pinapagalitan moko. Sorry ma, tao lang din ako at nagkakamali. 35 yrs old ka nang ipinanganak moko at sobrang ikli nang panahon na nagkasama tayo. Kulang na kulang.

Pinaka masakit ay nung umuwi ako ng 6 pm hindi ako nag hilamos ni mag bihis. Binaba ko lahat ng gamit ko at minasahe kita dahil lagi mo sinasabi kahit kanino magaling talaga ako mag massage. Gustong gusto mo nga na minamassage kita at habang ginagawa ko sayo yun, pinigilan kong umiyak nang may makapa akong mga bukol sa iba't ibang parte ng katawan. Nagpigil ako para hindi mo malaman pero naramdaman mo padin pagyanig nang kama habang humahagulgol ako. At ngayon ko nalang nalaman na yung mga bukol na yun pala ang tinatawag nilang tumor na kumalat na. Di kana makapag salita nun pero nagulat ako nang may makita akong luha sa mata mo sabay sabi sakin nang "wag kanang umiyak, pag dasal moko gagaling ako". Pag lunok nalang ang paraan na madalas kong gawin sa tuwing nakikita kong nahihirapan ka at kapag nararamdaman kong papatak na mga luha ko para makapag pigil. Lagi akong nag sisimba at nagdadasal na sana, sana patuloy akong pakinggan nang nasa itaas na bigyan pako ng  kahit konting taon pa huwag muna ngayon.
 Hanggang isang araw, habang nasa sasakyan ako, masinsinang sinabi ni tatay na stage 4 cancer na pala. Hindi ko man lang alam na ganun na pala kalala. Hindi ako naniniwala sa mga pinag sasabi ng doctor. Alam ko palaban ka at mataray ka. Kaya di ko maisip na magkakaganyan ka.

Noon hindi ko magawang hawakan mga kamay mo dahil nafifeel ko ang awkward at parang ang corny. Pero ngayon mula nung malaman kong may sakit ka parang kulang nalang halikan kita mula ulo hanggang paa dahil alam kong may konting araw pang natitira para makasama kita pero kulang pa. Lagi akong nag sisimba ma, hindi ako nagkulang sa pagdadasal. Masaya na kami ma kung nasan ka man. Nasabi ko na lahat at nakahingi nako ng tawad. Mahal na mahal kita, hanggang sa muli nating pagkikita, mama.

Habang tinatype ko 'to iniimbalsamo kana mama, pero umaasa padin ako last minute, habang patapos nako baka sakaling bigla kang mabuhay.

Ma, mamimiss kita. Mamimiss ko magaspang mong kamay dahil sa pag tatrabaho. Huli kong nakita yung napaka liwanag mong ngiti nung nalaman mong Rank 2 ako. Feeling ko nga di pa sapat at di ka proud pero malaman ko sa kasa kasama natin. Sobrang saya mo daw kasi nasusuklian ko yung pagod mo. Ngayon kahit anong achievement maabot ko, di ko na makikita ngiti mo.

Ma nung buhay kapa, halos wala nakong mahiling kay God kundi humaba pa buhay niyo ni tatay at walang magkasakit sa fam natin. Isip ako ng isip kung ano paba, aside from praying also for others wala nakong mahiling talaga. Halos nasakin na lahat-lahat. May mga teens din na nag sasabi ang swerte ko sobraa.  Wala sa attitude ko yung maiinggit sa iba kasi lahat ng gusto ko naibibigay, complete fam although may prob which is inevitable. Pero ngayon parang meron na ata, ako na yung naiinggit dahil ang swerte nila kasama pa nila mommy nila. Papasok ako sa school tinitignan ko buong STI lalo na mga naka uniform ng SHS iniisip ko kung pano kaya nabuhay ako, at ako nasa position nila at nagkapalit kami ano kayang problema ko. Isa lang naiisip ko, baka di na nila kayaning pumasok pag malaman na nilang may taning ka. Pero dahil sabi mo, I have to be strong like it is the only choice I have.

Ps: Wala nang mangungulit sakin na mag gym ako. 😭

Pps: Kung may sama man kayo ng loob o di pag kakaintindihan ng magulang niyo palagi niyong isipin na kayo ang magpakumbaba. Wag niyo nang hintayin marinig "Ang gusto kong suotin sa burol ko ganito, ang gusto kong bulaklak sa burol ko rosas, gusto kong kanta sa libing eto"

Ppps: SA LAHAT NG MAY BISYO LALO NA SA PANINIGARILYO, PLEASE  TIGILAN NIYO NA. MAAWA PO KAYO SA SARILI NIYO LALO NA SA MGA TAONG MAPAG IIWANAN.

(Please people, maging open minded naman tayo, napaka simpleng bagay para maintindihan. Hindi naman lahat ng convo namin ni mama puro pabili ako. Gabi gabi ako nag research para maging aware siya sa pagkain niya para masabi sakanya, lagi ko minemessage kung gaano ko siya kamahal even before ko po malaman na may sakit siya. Pili ang mga ito, ang punto ko lang lahat ng kailangan ko nandiyan si mama para ibigay lahat dahil konti nalang ang nga nanay na tulad niya. HINDI PARA MAIPAKITA NA LAHAT NALANG NG MSSG KO PURO GANITO. I posted this with purpose, para mapulutan ng aral. Salamat.)























Share this Video!
Visit and follow our website: Duterte News
© Duterte News Today

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

SHARE THIS ARTICLE:



This is HEARTBREAKING! This young girl post about her love for her mother went VIRAL. This is HEARTBREAKING! This young girl post about her love for her mother went VIRAL. Reviewed by Nai on 9:06 PM Rating: 5

No comments